Mga Payo sa Amin
By: Christine M. Salva
Christian Loid L. Lita
Alyssa Fae C. Soliveres
Mark Jayson L. Mayo
Trisha Mae G. Sayson
Baby G. San Buenaventura
Raymart M. Leones
Shiena P. Requilme
I. Pag pasok sa umaga, paalala ni ina ang ating dala-dala
"Kung ano raw ang puno, siya rin daw ang bunga."
Kaya't dapat tularan siya (tularan siya)
At ating ipakita sa ating mga kapwa
magandang asal na nag mula sa kanya (mula sa kanya)
II. Pag-upo sa upuan ihanda ang kailangan
Dahil nandiyan na ang magandang ma'am
ang gurong may kagandahan isa ang dahilan
naniniwala sa mga kasabihan (kasabihan)
"Pag makitid ang kumot, magtiis mamaluktot."
Kaya't noo'y namin napapakunot
BRIDGE:
wag magbulag bulagan
sunod sa payo lamang
CHORUS:
Pangaral niya sa amin na dapat alalahanin
"Kung ano ang tinanim, siya ring aanihin."
Kaya't ating pag-aaral ay ating pag-ibayuhin
Pagsisikap natin ang tutulong sa atin.
IV. "Nasa tao ang gawa, nasa Diyos ang awa."
Laging paalala sakin nina lolo't lola
"Daig ng maagap ang taong masipag"
Kaya't sa pag-aaral inaabot ng magdamag.
Repeat Bridge
Repeat Chorus