Ano nga ba ang stalker? Sunod ng sunod? Nagmamanman? Inaalam ang lahat ng impormasyon mo?. Ahh. Alam ko na. Sa pag-ibig, sila yung mga taong nagmamahal ng palihim. Yung mga taong, tinatago lahat ng kilig at pagmamahal sa isang tao. Bakit?. Kasi natatakot sila na baka pag nalaman nung taong mahal nila ang feelings nila, bigla na lang itong umiwas. Pag-iwas na indikasyon, na hindi ka nya gusto. At masakit yun para sa kanila, kaya hindi na lang sila umaamin. Pero pano kung mali ang prediction mo sa posibleng mangyari 'pag nalaman na nya ang totoong nararamdaman mo?. At pano rin kung tama naman ang naiisip mong pwedeng mangyari pag umamin ka?. Hindi ka ba susugal para malaman ang posibleng mangyari?.