May mga taong nasa paligid lang pero hindi natin pinapansin Pero may tamang oras at ipagtagpo ulit kayo Sa paraang akala niyo hindi niyo kiala ang isa't-isa ngunit iyon naman pala ay nagtagpo na. Nagtagpo kami ng hindi namin inaasahan at hindi sinasadya. Parang hangin na palipad-lipad at hindi malaman kung saan babagsak at ng bumagsak ako sa taong iyon ay parang ayaw ko ng liparin ulit ng hangin at manatili na lang sa kanya. May mga taong biglaan ang pagdating May posibilidad bang ... Dadating ang araw sa biglaang paglisan? Pero may mga bagay na lilisan at manatiling ala-ala pero sabi nila kung kayo, kayo talaga. Kailan ko iyon masasabi? Sa pagdating ba ng panahong magkikita kami ulit sa paraang hindi namin alam at hindi inaasahan o sadyang para talaga kami sa isa't-isa?