Mahirap maging fangirl. Marami kang frustrations na mararanasan. Pero anong magagawa mo kung ang hinahangaan mo ay napakataas at di mo kayang abutin? Sa pagiging fangirl lang ang bagsak mo. Susubukan i-drawing ang perpekto niyang mukha kahit hindi naman kaya ng kamay mo. Susubukan kumanta kahit hindi naman kaya ng boses mo. Susubukan sumulat ng mga fan fiction para lang kahit sa salita ay makita mo ang iyong mga pangarap. Susubukan mong mapansin kahit sa anong paraan. Hindi mo maiiwasang pangarapin na sana maging parte ka rin ng buhay niya dahil siya ay may malaking parte sa pang-araw-araw mo. Hindi mo maiiwasan na ipagdasal na sana tumingin siya sa baba at makita ka niya. Makita ka niya bilang ikaw. Hindi bilang isa lang sa fans niya. Iyong kaya niyang banggitin ang pangalan mo na parang kilalang kilala ka niya at masaya siyang kilala ka niya. Oo. Pangarap mo 'yon. Pangarap ng halos lahat ng fangirl. Ikaw, anong laban mo? Isa ka lang ordinaryong fangirl. Minsan kailangan natin tanggapin na hanggang dito lang tayo. Na lahat ng pangarap ay mananatili lamang sa isipan natin. Kailanman ay hindi magiging totoo. Dahil fangirl ka lang. Fangirl. Period. Reach - A Fangirl's Story by TheSiriusMe 2015 How far can you reach him?