Sabi nga nila, nasa huli ang pagsisisi. Pero bakit kahit feeling mo na panakip-butas ka lang o gagawing rebound ay sasabak ka parin sa isang laban na alam mo sa huli ay may malaking posibilidad na matatalo ka lang? Dahil ba naniniwala ka na ikaw ang pipiliin niya? Nahihibang ka na ba?! Para ka lang namamangka sa isang kalsada, hindi ka nga umuusad nagmumukha ka pang tanga. But life is not about fairytales nor fate, for life is about making a decision. At kahit na alam mong talo ka, sabak ka pa rin. Choice un, choice mo yun, desisyon mo yun na magpakatanga sa taong kailan man pangalawa ka lang. At ang ending? Bunga yun ng desisyon mo. Ano nga ba ang mapapala ng taong push ng push? This story is about regrets, faith, perseverance and love. Ito ay story ng past, present, present participle at future.