Matapos masakop ng Kaharian ng Armada, nabaon sa limot ang kinang at ganda ng Armea. Umusbong ang katiwalian, paninira ng kalikasan, at pagmamalupit sa mga mamamayan. Namayani ang mapagsamantalang Hari at mga kawal ng Armada at naikubli sa kasaysayan ang pamumuno ng isang misteryosong reyna. Ito ang kwento ng pagbangon ng Armea sa katauhan ng tunay na tagapagmana ng trono.