Si Kimmy ay isang mahusay na manunulat sa mundo ng wattpad. Hindi nakapagtapos ng kolehiyo ngunit nakakatulong sa pamilya sa pamamagitan ng business niyang KAKANIN NI KIMMY. May talento siya sa pagluluto ng mga meriendang swak sa panlasa ng Pinoy, swak sa birthday party, at swak sa mga piyestahan. Sa umaga pa lang ay maaga na siyang gumigising para mamili ng mga sangkap sa palengke, pagkauwi ay busy na siyang gawin ang mga kakanin para sa mga nag-order ng isang bilao para sa kanya-kanyang okasyon, at ang iba ay inilalagay niya sa styro upang ibenta, bawat isang styro ng kakanin ay nagkakahalaga ng 30 pesos. Single at panganay si Kimmy. Dalawa lang silang magkapatid. Wala na siyang tatay dahil namatay sa komplikasyon sa sakit sa puso. Si Aling Tere na kanyang ina ay may masaganang sari-sari store naman na si Kimmy mismo ang nagpagawa at nagbigay ng panimula upang kahit papano ay may mapaglibangan ang kanyang nanay. Ang bunso niyang kapatid na lalake na si Adrian ay kasalukuyang first year college sa State University sa kanilang lugar. Libre ang tuition nito dahil madami itong in-applyan na scholarship para kahit papano ay makabawas din sa gastusin ng kanyang ate. Baon na lamang ang hinihingi niya rito. Sa edad na 25 years old ay wala pa siyang kasintahan. Katwiran niya ay bata pa siya ngunit sa loob niya ay nangangamba na siyang baka hindi na siya makahanap ng lalake na tunay na magmamahal sa kanya at magpapatunay sa kanya na merong FOREVER. Sa kabilang dako ay isinusulat na rin pala ng kanyang author ang makulay ngunit magulo niyang lovelife na magsisimula sa isang napakagulong pagtatagpo nang dahil sa KALAMAY.All Rights Reserved