Minsan sa buhay, hindi natin maiiwasan ang mag assume sa mga bagay na hindi dapat, hindi naman sa pagiging assuming, kundi dahil may nararamdaman tayong kakaiba at hindi mapaliwanag ng iba. Pero paano nalang kung ang love storing inaasahan mo ay mauwi lang sa wala? dahil iniingatan mo na hindi siya mawala, at ang naumpisahang pagkakaibigan. Paano din, kung ang inililihim mong pagtingin ay tulad din ng tinatago niya? Mauuwi ba sa love story ang ending? o matatapos sa status na friend zone lang talaga?