Palo
Sa aking umaga'y gumising
Tahimik kong daigdig
Nabulabog nang palong kay lakas
Hampas
Sa aking balikat ay lumagapak
balikat kong manipis
biglang namula; bakat
kamay na malupit
Hataw
Sa binti kong mahubog
binti'y kong nangitin
Nanghina, namaluktot
Sa kahoy na pinanghataw
Hagupit
Sa katawan kong mura
Kikod ko'y natamaan
braso ko'y nahagupit
ng sinturong masakit
Hablig
Sa akin ay nagpasandig
Sa sulok ng kamang
Magdamag kong pahingahan
O bakit ganito?
umaga ko'y bangungot
sa among walang puso
buhay ko'y mistulang 'mpyerno
sa bansang banyaga
Yakap
ng pamilyang iniwan
pangarap sa tuwina'y
sabik na makasama
sa bawat araw.
SABADO
Paboritong araw mo rin ba ito?
Para sa titser.
Gustong maging titser,
Pinilit maging titser,
At ayaw sa titser...
Sabado
Paborito kong araw ang Sabado.
Hindi ko Maintindihan ngunit,
Kasinungalingan pala ang sabihing espesyal ito,
Sa lahat ng araw sa buong sanlinggo.
Gayundin ang hihip ng hangin,
Ang tinig ng mga ibong kay lambing,
Ang kapaligirang lumilibot sa akin,
Ang mga tao sa aking paningin.
Walang kakaiba tuwing sabado...
Tulad ng ibang araw ng sanlinggo,
Nagbibigay pait sa mundo,
Dala'y malamig na hanging nagpapamanhid sa puso,
Nagpapatigas sa ulo,
Naghahatid ng hilahil sa tao.
Hindi ka parin makakatakas,
Sa dilim ng lilim ng anino,
Bakas ng kahapong di pa naglaho,
Susundan ka,
Hanggang sa luha mo ay tumulo...
Marahil para sa ilan ay isa lamang itong simpleng kwento.Ngunit kung susuriin natin ang bawat detalye; ang bawat istorya,makikita mo ang sarili mo sa kanila, sa kanya ang buhay natin sa mundo.Hindi kailan man maisasaletra ang mga pangyayaring bumago sa paraan ng aking pamumuhay, sa aking paniniwala at sa aking pagka-tao.