Mico Gonzales. Isang hamak na tambay sa kanto at sumasideline bilang freelance model sa isang sikat na kumpanya ng mga Tresano para makakuha ng pera para may maipakain sa pamilya niya. Lima silang magkakapatid at siya ang panganay. Wala na silang magulang dahil namatay ang mga ito sa aksidente. Highschool lang ang tinapos nitong antas at dahil walang pera, hindi siya makapag-aral sa kolehiyo. Hindi naman kataka-taka na magiging isang model siya ng mga Tresano dahil sa angking kagwapuhang taglay ng binatang ito.
Sa kabilang banda, may isang babaeng nagngangalang Heyn Trinity Tresano na sobra sa kapilyahan, kasungitan, kayamanan, sunod sa layaw, at kalokohan. Anak siya ng may-aring pinagtatrabahuhan ni Mico bilang isang model. Only child ito kaya lumaki itong spoiled bratinella sa kanyang mga magulang. Maganda, matangos ang ilong, maganda ang mata at mapupula ang mga maliliit nitong mga labi kaya di rin kataka-taka na maraming nanliligaw sa kanya.
So, read it guys. Labyuu! :*
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, can they manage to be together in the end--or will they remain as each other's TOTGA and nothing more?
***
May feelings na laging nandiyan, nakaabang kung kailan magpapapansin. Nakaabang kung kailan ako titisurin sa mga pamilyar na kanta, lugar, at salita. Magpapaalala sa isang mukha na hindi ko naman gano'n kakabisado pero pamilyar. Magpapaalala sa mga dating pakiramdam.
Malalaman mo raw kung sino ang The One That Got Away mo kapag narinig mo 'yong salita at nakaalala ka ng iisang tao lang; nakatisod ka ng mga dating pakiramdam; nangulila ka sa mga nakaraang saya; nakaalala ka ng mga pamilyar na sakit.
Sabi, time heals wounds at distance makes one forget. Bakit parang hindi naman effective? Bitbit ko pa rin lahat ng what if. Hindi pa rin ako makatakas sa maraming sana.
Ako ba ang bumitiw o siya? Tapos na ba kami talaga?
Ang sarap magtanong kaso...wala nga palang kami noon.
Disclaimer: This story is written in Taglish.