Love... eto yung feeling na para kang nasa roller coaster ride, yung feeling na parang mahuhulog ang puso mo sa kaba; nagpapalpitate ka at pinagpapawisan pag nakikita mo yung taong mahal mo. Yung nabubulol ka o hindi makapagsalita dahil hindi mo ma organize yung words sa isip mo. At hindi kana makapag-isip dahil wala kang ibang naririnig kundi yung kabog ng dibdib mo. Love...ito yung feeling na kung saan mararanasan mo ang iba't-ibang uri ng emosyon. Mula sa tipid na ngiti hanggang sa makalaglag lungs na halakhak dahil sa sobrang kilig o saya. Mula sa nangingilid na luha sa mga mata hanggang sa makabasag eardrums na hagulgol sa pag-iyak dahil sa sobrang sakit na dulot nang heart break. Masarap ma- in love lalo na kung mahal ka rin ng taong mahal mo. Masarap na masakit pero worth it lalo na kapag na-meet mo na yung taong itinalaga talaga ni Lord para sayo. Yung taong makakasama mo habang buhay...yung iyong The One...pero pano mo malalaman kung sya na ba talaga? Ano ba ang signs na dapat mong malaman kung siya na ba talaga ang taong para sayo habang buhay?
More details