Ako yung unang nakilala niya pero iba ang gusto niya. Ako yung nandito pag may kailangan siya pero iba ang minahal niya. Ako yung unang nagsabi ng MAHAL KITA pero iba ang sinabihan niya ng MAHAL DIN KITA. Sabi nila masarap daw yung ikaw ang una sa lahat. Naniwala naman ako, pero iba pala sa pag-ibig. Kasi kahit ikaw na ang una sa lahat, hindi ka parin nakakasigurong ikaw rin ang pipiliin niya sa huli. Kasi sa pag-ibig, kahit ihain mo na sa harap niya at ibigay mo na ang lahat lahat ng meron ka, hindi parin niya nakikita kung nabulag na siya sa iba. Hihilingin mo pa rin ba na makita ka niya kahit iba na ang pinili ng puso niya? -mynameiswrai
16 parts