".. blue moon? na kung sino daw yung kasama mo sa ilalim ng blue moon ,siya ang makakasama mo habang buhay? kalokohan yon". "bakit mo naman nasabing kalokohan? Totoo kaya yon". "totoo kasi pinapaniwalaan mo, alam mo kapag nagmahal ka hindi mo yon iaasa sa blue moon, kung gusto mo siyang makasama habang buhay gawin mo lahat para mangyari yon. Hindi palatandaan ang blue moon sa pagmamahal ng panghabang buhay, alam mo kung ano ang palatandaan ng panghabang buhay na pagmamahal?"- Yuan "ano?" "Altar." Simpleng sagot pero tinamaan ako. Tama siya, kapag mahal mo gagawin mo lahat para sakanya hindi dahil sa blue moon hindi dahil sa pagkakataon.All Rights Reserved