She loves coffee as much as she loves blood. Nabibilang sa nekros anthropos dolofonos (deadly human assassins). Isang organisasyon na nagbabalanse ng kabutihan at kasamaan ng kamunduhan. Mayroon itong dalawang sangay ang exousia hagios (pure authority or right to act saint) at ang exousia miseo (authority to despise or right to act hate). Siya ay nasa panig ng exousia hagios, sila ay yung tipo ng mga assassins na hindi nagpapabayad. Para sa kanila, iyon ay isang kontribusyon sa paniniwalang pinapabuti nila ang sanlibutan. Yung mga uri ng hindi kung sino-sino lang ang pinapatay. Sakanila ipinapapapaslang yung mga tinatawag na salot ng lipunan katulad na lamang ng mga pinakamasasamang nilalang.