Isa na lamang ang kulang para maging perpekto na ang relasyon ni Casey at ng boyfriend niyang si Dustin: Ang makuha ang approval ng ina nito na hindi boto sa kanya para dito. Para maisakatuparan iyon ay pinuntahan niya ang bestfriend ng kanyang boyfriend --- si Zaien -- para magpatulong dito. She didn’t know he was the most unnerving person on earth. Bukod sa tumanggi na itong tulungan s’ya ay sinabihan pa s’ya nitong maarte at brat. Ngunit nang tumagal ay natukalasan niyang masayang kasama rin pala ito. Hanggang sa natagpuan na lang niya ang sarili na masyadong naaaliw rito to the point na nakalimutan na niya ang boyfriend niya!