Nakaranas ka na ba ng mga kababalaghan? Mga pangyayaring hindi mo inaasahan lalo na kung ikaw ay nag-iisa. Halika, samahan natin ang magkapatid na Daniel at Samuel sa mundo ng mga kaluluwang ligaw. Makakasalamuha nila ang iba't-ibang uri ng mga nilalang. Mga nilalang na hindi matahimik at naghahanap ng katarungan. Mula ng malaman ng magkapatid na bukas ang third eye nila, nagdesisyon silang maging mga ghost hunters. Nakakakita sila ng mga pangitain na nangyari na at mangyayari pa lamang. Nakakakita rin sila ng mga kaluluwang ligaw na humihingi ng tulong. Mabubuti at masasamang kaluluwa. Ngunit, ang pinakamatinding kalaban nila ay ang ganti ng kaluluwa ni Ilonah. Sino si Ilonah? Bakit hanggang ngayon hindi pa rin siya matahimik? Sino ang binabalikan niya para gantihan? Magagamit ba ng magkapatid ang mga sandata nila para matahimik si Ilonah? Ikaw, gusto mo bang makaharap si Ilonah? Pabuksan mo na ang third eye mo.Baka hindi mo alam nasa likod mo lang pala siya at naghahanda nang gantihan ka.
23 parts