UNEDITED. [T H E V A S C O E R A] Para kay Avalyn Rae Trinidad, ang pag ibig ay isang bagay na pinakamahirap makamtan. Isang bagay na malayo sa mga kamay niya, bagay na hindi niya makuha kuha. Para sakanya, pinagkaitan siya ng mundo na makaranas ng totoong pagmamahal, kaya naman tinaggap na lang niya ang sumpa na akala niya ay pang habang buhay na mananalagi sa piling niya. Pero nagbago ang lahat nang makilala niya si Andrey Benedict Garcia. Para bang isa itong ulan na dadampi sa kanyang balat at ipaparamdam ang tinatawag nilang pagibig. Parang isang malakas na bagyo, naguumapaw, nakakalunod, nakakasira. At sa pagbuhos niya, doon din bubuhos ang bawat sikreto na tatangay kay Rae ng tuluyan tungo sa makamundong elektrisidad. Hahayaan na lang ba niyang masira ang pader na nakapaligid sakanya ng bagyong dala ni Ben? Hahayaan nalang ba niyang unti unti siyang sirain ng pagmamahal na akala niya ay totoo? O aabot sa puntong siya na mismo ang lulusong sa baha at haharapin ang mga ito? 18+ {Please, read at your own risk.}
More details