Noong unang panahon may dalawang prinsesang nagngangalang apienna at ang mas nakababata nyang kapatid na si oyallah, si apienna ay nag lalagablab ang kagandahan at isang matapang na dalaga sa kanilang kaharian, ngunit ang nakababata niya namang kapatid na si oyallah ay isang mainit at matapang na babae. Ang mag kapatid ay malapit sa isa't isa, kung kaya't lagi silang nagkaka sundo. Mahal na mahal sila ng kanilang ama na si Haring Anand, at ang kanilang reynang ina na si Reyna Bihattie. Isang araw nagpasya ang magkapatid na lumisan sa kanilang kaharian sa kadahilanang mag hahanap sila ng mga maidadagdag na kawal sa kanilang kaharian, dahil ilang linggo nalang ay sasapit na ang pinaka malaking digmaan laban sa mga dayo sa kaharian. Malalim na ang gabi ng magising si apienna at ng mag umaga na sabay nilang binagtas ang daanan pauwi ng kaharian, laking gulat nila na may mga dayuhan ng sumugod sa kanilang kaharian, ng biglang may lumapit na ermitanyo sa dalawa at tinanong "gusto niyo bang mapigil ang mga dayuhan sa pag sira ng inyong kaharian" "oo naman po" sabay na tugon ng dalawa...........Sabi ng ermitanyo sa dalawa kung gayon maari ko kayong pag samahin dahila ang katangian niyo ay tumutugma sa gusto niyong magyari , bilang naglalagablab ang iyong kagandahan at isa kang matapang na prinsesa apienna at oyallah isa kang mainit na dalaga at isa ring matapang na dalaga maari kong pag samahin ang inyong taglay na mga katangian upang makabuo ng isang nag iinit at nag lalagablab ng kapangyarihan, at yun ....mula sa pinag samang katangian ng pagiging maharlika, mainit at naglalagablab ay maari kong pagsamahin ang inyong pangalan..., mula sa pangalang apienna at oyallah makabubuo ako ng pangalang Apoy.All Rights Reserved
1 part