Sino ba ang magaakala na ang kasakiman ng mga tao ang syang magiging dahilan ng pagwawakas ng mundo. At ang karunungan at kapangyarihang inaasam natin ay ang syang magiging dahilan ng pagkalipol ng sanlibutan. Limang taon matapos magkaroon ng ugnayan ang mga tao sa mga nilalang mula sa kalawakan, Mga nilalang na nakilala bilang Children of the light. Narito ang sangkatauhan na tila naghihintay na lamang ng katapusan. Mabilis ang naging pagbagsak ng sanlibutan sa loob ng nakalipas na mga taon, araw-araw nasasaksihan ko ang tuluyang pagkawasak ng mundo. Pero sa kabila ng nalalapit na katapusan may mga bagay na magaganap na hindi ko inaasahan. Ako si Elisa. Ito ang mundong kinabibilangan ko. Ito ang mundong alam ko.