Yung DATING kayo na wala na NGAYON Yung DATING close, NGAYON parang di na kayo magkakilala Wala na yong dating kayo. Yung todo effort sya sa pagtext o pagtawag, makausap at marinig lang ang boses mo. Yung dating sya ang unang gumagawa ng paraan masilayan ka lang. Yung magtetext sya kasi namimiss ka nya. Yung dati na sasabihin nya bawal sayo to kasi may allergy ka, wag kang lalabas ng gabi kasi delikado. Yung alam nya ang ayaw at gusto mo. Yung dati sobrang concern sya sayo, pero ngaon parang wala na syang pake kung masaktan ka. Kasi yung DATING kayo ay NGAYON ay isang alaala nalang. -Ano bang mali? Mali bang mahalin kita at aminin sayo yon? Hindi ko na kasi kaya, sa araw araw unti-unti akong nahuhulog sayo.- -Mahal kita, kung alam mo lang. Natatakot lang ako sabihin sayo.- -Sana ako nalang sya- -Maibabalik pa ba ang DATING tayo? Kahit na NGAYON ay meron kanang iba? At meron na rin akong iba.- Loisa Andalio and Joshua Garcia