Nagkakilala sina Jyo at Aileen sa kasal nina Jomar, ang kapatid ni Jyo, at ni Mia, ang matalik na kaibigan ni Aileen, kung saan sila ang naatasang maging maid-of-honor at bestman. Kung gaano sila kabilis na nagkakilala't nagkagaanan ng loob ay ganoon din kabilis na natapos ang kanilang relasyon dahil tinanggihan ni Aileen ang alok na kasal ni Jyo. Nagkalayo ng matagal na panahon ang dalawa ngunit muling pinagtagpo ng tadhana dahil sa isang kasunduan, ang fixed marriage. Ngunit paano kung ang mabuting hangarin ni Aileen sa pagpayag sa kasunduan ay siya namang kabaliktaran ng hangarin ni Jyo? Magkakaroon pa ba sila ng happy ending o may uusbong na naman na problema na siyang muling susubok sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa?
9 parts