Kadalasan, kapag opposite sex ang mag-bestfriend nauuwi ito sa one-sided love, kasi laging may isang nahuhulog. Mahirap sumugal sa isang walang kasiguraduhang pag-ibig kung ang nakataya ay ang matibay na pundasyon ng inyong pagkakaibigan na matagal ninyong iningatan. Kaya nga maraming napupunta sa friendzone. Ngunit may mga pangyayari din naman na ang pagkakaibigan ay nauuwi sa pagkaka-ibigan.