Naranasan mo na bang maiwan ng taong sobra mong minahal? Akala mo okay na ang lahat sa inyo, di na kayo maghihiwalay at wala sa inyo ang bibitaw. Kaso ganun talaga sa love, darating talaga sa punto na may masasaktan isa sa inyo. Paano pag tuluyan ka na niyang kinalimutan? Pero ikaw, tuluyan pa ring umaasa na may pag asa pa sa inyong dalawa. Kakayanin mo pa bang bumangon kada umaga na pagmulat mo, alam mong wala na siya. Wala na ang lahat sa inyo. Ito ay para sa mga taong naranasan ng masaktan ng sobra. Yung mga taong hindi agad sumuko sa nararamdaman nila para sa taong mahal niya. Kung ano ang nararanasan pagkatapos ng matinding break up, kung paano mag move on at matutunan magmahal muli.
8 parts