"Welcome to Cupcakes Sweet Shoppe, Ma'am! Where you will find your happily ever after" Medyo napatawa ako sa sinabi ng staff dito nang pagkapasok ko pa lang sa shoppe na ito. Ang corny ng sinabi niya. "Talaga lang ate? Ang mga cupcakes ba ang ka happily ever after ko? Ang cute" Tinignan ko ang buong shoppe. Ang cute ng mga colors. As in. Everything. Everything is so cute. At napansin ko rin na puro babae ang mga staffs dito. Tumawa lang si ateng at binalewala ang sinabi ko. "Umorder ka na po ma'am" Sabi nito na naka at tinuro na saakin ang ordering counter. Binaling ko ang tingin ko sa mga cupcakes na nakadisplay. Di talaga ako maka get over. ANG CUTE CUTE NG STORE NA 'TO. Ang mga color ng mga icing ng cupcakes ay shades of blue and pink. "Ma'am ano po name niyo?" -tanong ng staff na nasa harapan ko lang "Barbie" sagot ko with a smile. May isang cupcake nakahagilap ng atensyon ko. Kinuha ito ni ate at ipinakita saakin. "Think of a letter po ma'am habang tinitignan mo 'tong cupcake na 'to" Eh? Weird. Pero sige go lang ng go. Go with the flow. Hmm.. What letter nga ba? Parang may nag udyot saakin na magsabi ng letrang ito.. "B" "Letter B po ang start ng name ng makakatuluyan nyo." "Huh?" Ngumiti lang si ateng at sinabing, "May e-aadd pa po ba kayo?" Kahit naguguluhan pa ko sa sinabi ng staff kanina ay nagpatuloy nalang ako sa pag order "Vanilla Milkshake nalang" at sinubukang inaalis ang sinabi ni ateng kanina sa isipan ko.