"Minsan mapapa-isip ka nalang na sobrang hirap pala magmahal. Yung feeling na andyan na nga siya sa tabi mo pero sa iba naman pala siya nakatingin. Langya noh, bakit kasi siya pa ang minahal ko, ang mahal ko hanggang ngayon. "
- Adrian Santevero of Love Story
Wala nga naman talagang "FOREVER" sa mundo, lahat nga nag-eexpire, parang unlimited call and text lang yan, unli ka nga pero bukas wala naman nah. Pero natanong mo na ba ang sarili mo, kung bakit kahit paulit-ulit kang nasasaktan, eh, paulit-ulit ka paring bumabalik sa pag-panata sa "FOREVER" na yan. Paano naman kung nasaktan ka na minsan, at hanggang ngayon mahal-na-mahal mo parin siya, na kahit anung pag-move on ang gawin mo , siya at siya parin ang sinisigaw ng puso mong tanga. Oo, napaka-laki nating "TANGA" sa larangan ng pag-ibig, pero minsan kasi pag ginamit natin ang utak, magiging hindi na masaya magmahal, ,na para bang walang kulay, o parang kumain ka ng matabang na pagkain sa karinderya.
Lahat nga ba ng kwento my happy-ending, diba mas masaya pag walang ending? Pero nasa sa ating mga sariling desisyon kung anu mang ending ng kwento natin, or pwede din naman nating hindi wakasan, tulad ng mga kwento ng mga tunay na nagmamahalan.
Author's Note:
Ako nga po pala si Romeo Maliito, ito po ay isang kwentong umiikot sa temang gay,boyxboy, bisexual etc... Sa bawat kwentong isusulat ko, iba't ibang uri ng pagmamahalan, iba't ibang uri ng karakter, at iba'tibang uri ng pagsubok. Nais kong malaman niyo na bawat maikling kwento ay hango sa tunay na buhay , tunay na nangyari, at tunay na umibig at nasaktan. Ninanais ng mga kwentong ito ay maipahayag ang tunay na kahuluhagan ng pag-ibig sa mata ng iba't ibang karakter.