Ang hirap malaman kung ang pag-ibig na iniaalay ay totoo at wagas. Wala itong X-ray machine. Walang third-eye thingy. Ang hirap magbakasali lalo't ang pinakamahirap sa lahat ay ang masaktan. Kaya kung minsan ay ikinukulong na lang natin ang sarili sa kung saan tayo mas ligtas. Gaya ni Mica. Minsan siya'y nagmahal ngunit tila napipi na hindi niya nasambit ang totoong nararamdaman. Tila naduwag na baka hindi totoo ang pag-ibig na iniaalay sa kanya ni Willard. Kaya naman para hindi masaktan ay ikinubli niya ang sarili. Ano kaya ang pipiliin niya sa huli? Will she really save herself from hurting? Or will she give it a try? Nagmamahal pero natatakot? Ano ba ang mas matimbang? Hindi ba nga't katumbas ng pagmamahal ang paghinga? Tila pinagkaitan mo na rin ang sarili mong mabuhay kung hindi ka nagmamahal. ║█║▌║█║▌│║▌║▌█║ Copyright © 2015 All rights reservedAll Rights Reserved
1 part