Handa ka na ba?
Handa ka na bang malaman ang mga katotohanan?
Ang hindi inaasahang pangyayari ay mangyayari,
Ang matagal nang nalimutang alaala ay bumalik ulit,
Magiging masaya ka ba? o magiging malungkot?
Hindi ko sinadyang mabangga ang isa sa mga picture frame na nakalagay sa mesa at ito ay nabasag,
Sa takot na baka may makarinig ay agad ko itong pinulot,
Hindi ko na inintindi ang sakit dahil sa mga bubog na nabasag sa salamin ng picture frame,
Pinulot ko ang larawan at tinignan ito,
Teka? Ako ba ito at si ate Camilla? Bakit merong picture kami dito?
"Sino ka?"
Kinilabutan ako nang may narinig akong boses sa likuran ko,
Lagot ako! Hindi ako humarap dahil sa takot na baka ipakick out ako.
"Sinabing sino ka?" galit na tanong nito,
Agad ako humarap sa kanya at nanghingi ng tawad,
"Pasensya na po! Hindi na po mauulit, sana po----"
"Camille?"
Napatingin ako dito at nagulat,
Hindi maaari, Siya si...
"Papa?"
TOTGA (Candy Stories #4) (Published under Bliss Books)
54 parts Complete
54 parts
Complete
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, can they manage to be together in the end--or will they remain as each other's TOTGA and nothing more?
***
May feelings na laging nandiyan, nakaabang kung kailan magpapapansin. Nakaabang kung kailan ako titisurin sa mga pamilyar na kanta, lugar, at salita. Magpapaalala sa isang mukha na hindi ko naman gano'n kakabisado pero pamilyar. Magpapaalala sa mga dating pakiramdam.
Malalaman mo raw kung sino ang The One That Got Away mo kapag narinig mo 'yong salita at nakaalala ka ng iisang tao lang; nakatisod ka ng mga dating pakiramdam; nangulila ka sa mga nakaraang saya; nakaalala ka ng mga pamilyar na sakit.
Sabi, time heals wounds at distance makes one forget. Bakit parang hindi naman effective? Bitbit ko pa rin lahat ng what if. Hindi pa rin ako makatakas sa maraming sana.
Ako ba ang bumitiw o siya? Tapos na ba kami talaga?
Ang sarap magtanong kaso...wala nga palang kami noon.
Disclaimer: This story is written in Taglish.