Life is everything to me. Sa tuwing nakikita ko ang liwanag ng papalubog na araw narealize ko ang sarap mabuhay pero mayroon pa pala akong hinahanap. Simula ng dumating siya sa buhay ko ibinigay ko na ang lahat pero hindi pa pala sapat. Iyong pagmamahal ko sa kanya na ipinagkatiwala ko ng buong-buo pero isang pagkakamali lang parang buhangin na nagsihulugan sa kamay ko. Pakiramdam ko may kulang sa buhay ko at ng dumating siya parang siya ang bumuo ng pagkukulang na iyon pero hindi ko naman alam na siya pala mismo ang sisira ng pagkatao ko. But, Everything happened for a reason.