Aking ibabahagi ang isang maikling sanaysay patungkol sa isang kaibigan na masasabi kong tunay. Hindi siya naiiba tulad ninyo, syempre. Siya'y may mata, may ilong, may tainga, may bunganga, ngunit walang ulo? Ay hindi, hindi. Nagbibiro lamang ako. Tulad niyo siya'y isa ring manunulat sa site na ito, at kapag siya'y sumikat sabi niya pasisikatin niya rin ako. Biro lamang, nangangarap lang kasi ako. (Masyadong mataas hindi ba, pasensya na) Okay. Dahil sa kanyang nalalapit na kaarawan nitong buwan ng Hulyo, naisipan ko lang namang gumawa ng munting regalo bilang pagpapasalamat sa kanyang mga nagawa.