Every Version of Us || FAYEYOKO
36 parts Ongoing MatureSa mundong ginagalaw ng deadlines at drafts, kung saan ang bawat ideya ay kayamanan at bawat pagkakamali ay delikado, nagtagpo ang dalawang pusong hindi dapat magkalapit.
Si Faye Peraya-ang Creative Director at CEO na kilala sa talas ng paningin, lamig ng boses, at galing na walang kapantay. Mabigat ang pangalang dala, at mas mabigat ang puso niyang matagal nang isinara para sa pag-ibig.
Si Yoko-ang bago at masiglang copywriter na may tapang magpahayag, liwanag sa bawat salita, at ngiting kayang magpabago ng mundo. Hindi takot sa hamon... kahit ang hamon na tinatawag na "Faye."
Magsisimula silang magkalaban sa ideya, magkaiba sa prinsipyo.
Boss at empleyado.
Bato at apoy.
Pero sa gitna ng late-night concepts, stolen glances over coffee, at mga linyang lumalampas na sa trabaho, may mabubuong koneksyon na unti-unting sisira sa mga pader na matagal nang nakatayo.
Dito nila matutuklasan-
na ang pinakamagandang kwento ay hindi nasusulat sa papel...
kundi sa tibok ng pusong handang sumugal muli.
"Mahal kita sa bawat bersyon mo."
"Aurora wasn't just built with ideas... but with love strong enough to survive us."
Sa Aurora Creative, ideya ang puhunan-
pero pag-ibig ang magpapabago sa lahat.