Maria Vernadeth Enero-at her age of 27 na nahumaling sa isang gwapong Brazilian male model na kung asarin ng mga kaibigan ay dinaig pa ang isang teenager. Sagad hanggang skeleton ang paghanga nya sa binata na ang masaklap ay engage na sa kasintahan nito. Paano magkakaroon ng katuparan na makaharap at mahalin din ng isang tulad nito? Dahil lang sa isang magazine kaya siya humanga at nahumaling kay Sandro Rabello. May pag-asa pa kaya ang isang tulad nyang tagahanga na mabigyan ng pansin ng isang taong sa magazine nya lang at social media nakilala? Sabi nga ng iba hindi masamang mangarap pero ang masaklap masakit ang umasa lalo na hindi pala kayo nakalaan para sa isa't isa.