All hell broke lose nang magkrus ang landas ng tatlong Femme Fatale at ng tatlong alpha boys sa iisang school. Ang inaakala nilang "taas kamay with confidence" sa kanilang mala-first day eh naging DOOMSDAY high pala. Ang Suplado at Vain na si Theo VS Ang palabang si Bullet Ang Mr. Arrogant na si Sean VS Ang competitive na si Page Ang Alaskador si Daryl VS Ang mapang-okray na si Kensie Pataasan ng ego, bangayan at barahan mula umaga hanggang gabi, at labanan sa hindi malaman kung anong kadahilanan. Ano ba talaga pinaglalaban ng dalawang grupong ito? Galit ba talaga sila sa isa't isa o hindi lang nila matanggap na nahuhulog na sila sa isa't isa?