"Mag iingat ka lagi sa Maynila Anak. Alam mo naman ang napapanood mo doon mga balita sa tv . Talamak ang nangyayaring masama lalo na sa isang katulad mong babae." sabi ng Itay ko na naluluha luha pa. Dumating na nga ang kinakatakutan kong oras. Iyon ang mawalay sa pamilya ko at maghanap na ng trabaho malayo sa kanila. Ako nga pala si Rachel, bagong graduate palang ako ng college sa kursong Tourism at Hotel and Restaurant Management at wala akong choice kundi ang lumuwas ng Maynila at magbakasakaling mahanap ang swerte ng buhay. Ang hirap kasi pag sa probinsya lang kasi napaka baba ng sahod. Kasyang kaysa lang ang kita, ni hindi nga makakapag ipon para pambili ng mga gustong gamit. Iwan ko lang pero yan ang kadalasang nangyayari sa mga bagong grad lalo pa sa kurso ko kaya kahit masakit na malayo sa pamilya sa unang pagkakataon ay walang choice kundi tanggapin. "Huwag po kayong mag alala 'Itay. Di ba napag usapan naman natin iyon at saka doon naman ako kina Uncle titira, siguro naman matutulongan nila ako. Sa inyo po ang unang sahod ko.heheh.." at sabay kaming nagtawanan. Confident naman ako na madaming mangyayaring maganda sa akin kasi achiever ako. In fact graduate ako ng cum laude at hindi lang iyon, sumasali din ako sa mga Pageants at madalas manalo. Sabi nila parang si Lucy Torres daw ako. 5'7 height ko, slim at maputi. May dimples din ako sa mga pisngi kaya sabi nila ang bait ko daw tingnan. Namana ko daw ang ganda ko sa namayapa kung Inay sabi ni Tatay. Sa hindi pagmamayabang lahat de kotse ang mga masusuyong nanliligaw sa akin. Lahat may mga matatamis na promises ang binibitawan. Yong anak nga ng Mayor sa amin ayaw akong paluwasin at sa opisina nalang daw ng Dad niya ako magtrabaho. Ayaw ko naman ng ganoon.Gusto kong paghirapan at makamit din mga pangarap ko sa buhay. Pero kahit madami akong manliligaw, hindi ko pa natikman ang halik. Talagang virgin pa ako at iyon siguro ang dahilan kong bakit madami nagkaka interes sa akin.All Rights Reserved