Bakit ang sakit kapag gusto mong mapasaya ang taong mahal mo?
Siguro, Dahil sa mundo na bawal ang nararamdaman ko.
Sabi nila, "confused" lang ako at peke ang pagmamahal ko sa'yo.
Nakakainis na sabihin nila yun kasi alam ko sa sarili ko na mahal na mahal kita.
Kaso lang mapapasaya lang kita sa paraan na hindi mo ako kasama. Ang sakit!
Ang hirap maging tibo, lesbiana, tboom, lahat na ng label na ilalagay sa akin. Ang hirap dalhin nung "stereotype" at ang pangit na tingin ng tao sa akin.
Ang hirap harapin ng mga tao na nagsasabi na kasalanan ang pagmamahal ko.
Kaya nagmamahal ako ng patago.
Umaasa.
Tinatago kung sino talaga ako.
Kailan ko kaya masasabi sa'yo na...
"Miss, can you be mine?"
Mahirap pala mag tago ng nararamdaman? Yung feeling mo wala kang pweding pag sabihan dahil once na malaman nila ang tunay mong pagkatao iiwan ka ng walang paalam.
Masayahin? Oo masayahin ako pero kagaya lang rin ako ng iba may mas Malala akong problemang dinadala ayaw ipaalam sa madla.
Madaldal? Oo madaldal ako pero kagaya lang rin ng iba natatahimik ako pag usapang sakit na...
Takot?.. sa tingin ko.. hindi? Oo? Hindi ko alam.. nung una hindi ako takot pero nang narealized ko ang lahat dun ako nagsimulang matakot.
Pero Nagulat ako dahil lahat nangyan nawala na parang bula ng makilala ko ang taong makakapag bigay ng pagmamahal na hinahanap ko.. makakaintindi sa kondisyon kong nakatago.
Tumagal kami, pero hanggang sa tumatagal lalong sumasakit... Kelan ko ba ipipilit ang sarili sa taong hindi kayang iBULONG ang lahat na nakikita niya at nararamdaman tuwing binubulabog ng sakit...
Ikaw? Satingin mo kaya mo bang ibulong sa minamahal mo ang tunay mong pag ibig? Isa bang alipin ng pag ibig mo ang minamahal mo? Handa ka bang ibigin ang isang babaeng mapanakit?