Project: Black Out (Philippines: Year 2300 Prequel) #Wattys2016 #Trailblazers
  • Reads 50,685
  • Votes 1,739
  • Parts 32
  • Reads 50,685
  • Votes 1,739
  • Parts 32
Complete, First published Jul 11, 2015
Taong 2202 nang maimbento ng isang siyentipiko na nagngangalang Welder Freuch ang isang aparato na kung tawagin ay memory gene. Ang aparatong ito ay tila isang hard drive device na may kakayahang i-tala ang lahat ng mga pangyayari ng isang host mula pagkasilang hanggang sa pagtanda. Ang memory gene na nakakabit sa likurang bahagi ng ulo ng nagmamay-ari ng aparatong iyon ay maaaring ilipat sa isa pang katawan upang mabuhay bilang siya o ang kanyang katauhan.
Nagsimulang lumaganap ang pag-gamit ng aparatong ito dahil na rin sa pag-aproba ng gobyerno ng Europa upang mapahaba ang life span ng isang tao ngunit tinutulan ito ng ilang mga bansa dahil na rin sa pagkitil ng buhay upang maging container ng mga taong gumagamit nito.

Kalaunan ay nahati ang lipunan sa tatlong klasipikasyon dahil sa aparatong iyon. Una, ang mga bidder o ang mga mayayaman o nakatataas sa lipunan na siyang tanging nakakagamit ng memory gene. Sila ang may kakayahan upang bumili ng katawan ng commoner o ng bidder upang paglipatan ng kanilang mga memory gene para mabuhay kahit gaano pa katagal. Pangalawa, ang mga commoner o ang mga may kaya ngunit hindi pa umaabot sa klasipikasyon ng pagiging bidder. Wala silang memory gene ngunit kung mataasan nila ang pamantayan ng gobyerno sa pagiging bid sa pamamagitan ng kanilang mga assets at liabilities ay maaari na silang tawaging bidder at lagyan ng memory gene. Pangatlo, ang pinakamahirap sa lahat, ang mga bid. Sila ang mga taong naghihirap at hindi kayang bumili ng aparatong iyon. Sila din ang madalas na binebenta sa black market upang isubasta para mabili ng mga mayayaman.
Taong 2280: Isang kriminal ang nabalitang gumagala sa bawat lungsod ng Pilipinas upang kitilan ng buhay ang mga gumagamit ng memory gene. Hindi siya gumagamit ng marahas na pamamaraan. Ni walang bahid ng dugo sa lugar kung saan nangyayari ang krimen. Iniiwan niya lamang na natutulog ang kanyang mga biktima at tila nabubura lamang ang kanilang memorya. Black out: Iyon ang tawag sa kanya.
All Rights Reserved
Table of contents
Sign up to add Project: Black Out (Philippines: Year 2300 Prequel) #Wattys2016 #Trailblazers to your library and receive updates
or
#3year
Content Guidelines
You may also like
You may also like
Slide 1 of 10
The Paramount Code (The Odd Ones, Book 1) cover
Ice Breaker (Guillier Academy Novella) cover
Taste of Sky (EL Girls Series #1) cover
RUN FOR YOUR LIFE cover
The Camp  cover
TUNED IN (Wattys2021 WINNER) cover
Hera: The Hacking Goddess [Completed] cover
Tanaw (under editing) cover
Pueblo Buenavista, Buenavista Quezon ( COMPLETED ) cover
Life-Note | COMPLETED cover

The Paramount Code (The Odd Ones, Book 1)

78 parts Complete

(This is a winner of Wattys 2020 under the Science Fiction category.) A group of students discover their unique abilities, and go through a mysterious journey of knowing the truth about their school, their power, and themselves. ******** Jacob never wanted to go to Faircastle High School - it was his mother who wanted it. But when Jacob thought that staying in the school was all he had to endure, he manages to top a certain placement exam. Through it, he becomes a member of the Paramount - the group of Faircastle's best eight students that represent the intelligence division they are from. Little did he know that behind the after-school activities and supplemental classes, a secret about themselves will be discovered and awakened. Their lives are about to change, when great power come from the peculiarity and intelligence they all possess. Note: This story is highly inspired by the Thai novel-turned-series, The Gifted and The Gifted: Graduation.