Sa buhay may mga bagay na akala mo para sayo pero hindi naman pala... May mga bagay na nasayo pero nawawala padin ito... Parang sa kaibigan. Akala mo hindi ka nila iiwan at pababayaan. Pero pag malayo lang sila sayo, magiging cold na sila sayo,, hanggang sa mawala na sila. May mga taong akala mo makakasama mo sila sa lungkot at ginhawa ng matagal na panahon pero hindi naman pala talaga,, At may mamahalin kang tao na akala mo sya na, sya na ang papakasalan mo pero hindi naman pala talaga sya. Pero may mawawala o nawalang bagay sayo,, mapapalitan ito ng mas maganda,, may kaibigan ka mang mawawala, may dadating naman na tao na masasabi mong talagang kaibigan. May panahon kang mararanasan na ang mga hinihiling mo ay hindi natutupad. At nag tatampo kapa sa pangyayaring iyon,, Pero hindi mo ba napansin na ang Panginoong Diyos ay may mga bagay na ibinibigay sayo kahit na hindi mo hinihiling? Alam nya ang gusto mo pero ang ibinibigay nya ay ang kailangan mo. Pag dating naman sa love Sabi nga nila: Don't love him/her like his/she's your everything. Because when he/she leave you.. you have nothing..