Minsan darating talaga sa punto na may magugustuhan kang tao pero yung taong gusto mo hindi pwede. Hindi pwede dahil may mahal siyang iba, hindi pwede dahil alam mong hindi tama, hindi pwede dahil alam mong may limitasyon ka.
Minsan talaga may mga pagkakataon na kung kelan akala mo okay na ang lahat, hindi pa pala, na akala mo yung akala mo tama. Yung nakikita mo totoo. Yung naririnig mo totoo. Yung sinasai sayo totoo. Pero hindi. May ibang kasinungalingan. Hindi mo na alam kung ano pa ang tunay.