COMING SOON ^___^
His Rule, Her Rule : is the way to make them fall in love
Lahat tayo'y may mga bagay na inaayawan at kinasusuklaman.
Admit or not, alam nating sa sarili natin ay MERON niyan.
Halimbawa nalang ang maingay na soundtrip ng kapitbahay,
Ang makulit na sales lady't sales man sa mall na ayaw ka tantanan,
Ang maduming asong dikit ng dikit, sabay dilaan ka ng biglaan,
Ang tinta ng ballpen na saktong mauubos, lalo na 'pag ang isusulat mo'y kailangan na kailangan,
Ang sobrang daming bagay na maaalala mo kapag oras ng pagpasok sa eskwelahan.
At ang lahat ng iyan ay pawang mga pangyayari lamang. Ang totoo niyan may iba pang mga bagay ang sobrang mong kinaiinisan.
May ibang ayaw ng panget, as if maganda't gwapo sila,
May ibang ayaw sa ipis, e mukha namang insekto ang itsura,
May ibang ayaw sa mga maaate't suplada, e sila? matino ba?,
May ibang umaayaw sa gulay tulad ng ampalaya, bakit? nakakamatay ba ang pait? Pait nga ng pag-uugali hindi di ba?,
Isa pang inaayawan ay ang okra, hinahalintulad sa sipon, e nung bata nga sila't tumutulo ang sipon dinidilaan pa, ewwww!
Kuha niyo?
Aarte arte pero di naman bagay,
Minsan nga may indenial pa, aayaw ayaw pero sa puso niya may nakatagong pagmamahal.