I'm Seff Amber. My name is quite weird diba. Birth month ko kasi is September kaya ganun. Pero karamihan, they call me Seff. I'm just a simple girl. Nagagawa ang gusto, nakukuha ang mga kailangan just like the other girls. Sadyang marami lang kasi ang mga mapanghusga sa paligid. Hindi naman nila alam ang buong kwento ng buhay ko pero kung makapagsalita parang alam na ang lahat. Yes, I am bullied. Bullied emotionally. Pero habang tumatagal nasasanay na rin. I'm just happy na meron pa ring mga tao na tanggap kung sino ako. Yung mga taong hindi agad nagpapariwara sa mga kung anu anong sinasabi ng mga tao. Naging ganito lang ang trato ng mga tao sa akin just because kinupkop lang daw ako. They say na ampon lang naman ako ng isang mag asawang engineer at doctor eh kung umasta na raw ako parang kung sino. Actually wala naman akong ginagawa eh. Sila lang talaga ang nangunguna. But I just ignore them. Pansinin ko man sila o hindi, wala namang magbabago eh. Ganun pa rin naman. They will always be the antagonists of the story of my life. Pero paano kung ang magdudusa sa mga pinagdadaanan ko ay ang taong mahal ko? Magiging happy ending pa ba kaya?
35 parts