Hindi naniniwala si Drinni na may mas guguwapo pa kay Channing Tatum kaya nang makilala niya si Christian, nagtaksil siya sa Hollywood forever crush niya at ang binata na ang sinamba. Pero siyempre, palihim lang na ginawa niya iyon. Mukha kasing hindi siya type ni Christian. Dead-ma ang beauty niya rito. Pero mukhang kakampi niya si Kupido dahil sinabi ni Christian na gusto siya nito. Hindi na siya nagpakipot pa at sinagot kaagad ang binata. But along the way, something went wrong. Nakipaghiwalay si Christian sa kanya! Paano na siya? Ang akala pa naman niya ay puwedeng mag-lead ang pagkagusto sa love. Marami talagang namamatay sa maling akala.
More details