Sa buhay ng isang babae, marami tayong pinangangalagaan. Ang ating pamilya. Ang ating pag-katao. Ang ating sarili. Ang ating pagkababae, ngunit hindi natin masasabi ang magiging takbo ng panahon. Kahit man sabihin natin na ayaw mo at hindi mo gagawin dahil mayroon kang panuntunan sa buhay ay hindi mo pa rin masisigurado dahil hindi natin hawak ang mga pangyayari sa buhay natin. Hindi natin kayang pasunurin o maiayon ang lahat ng bagay ayon sa kagustuhan natin. Bilang isang babae ang ating pagkababae ang ating pinangangalagaan dahil sabi nga nila ito ang pinaka-magandang maireregalo natin sa lalaking ating makakasama habambuhay. Ngunit paano kung nawala ito? Sabihin mo man na hindi mo sinasadya o ginusto hindi mo maitatanggi na ikaw sa sarili mo ang nagpaubaya. Sa isang lalaki, may mga bagay tayong pilit na itinatago. Mga bagay na ayaw nating matuklasan ng iba dahil natatakot tayong gamit ito laban sa atin. Mga bagay na maaaring ating kahinaan. Mga bagay na natatakot tayong aminin sa sarili natin at sa iba dahil natatakot tayong harapin ang mga maaring kahinatnan nito. Ngunit hanggang kailang tayo mag-tatago, hanggang kailan tayo matatakot sa nararamdaman natin kung kailan wala na, kung kailan huli na ang lahat. Hihintayin pa ba nating mapagod siya at sumuko na sa pagmamahal niya. Marahil dapat matutunan natin na pahalagahan at ingatan ang mga taong nagmamahal sa atin. Ang mga lalaki ang sinasabing pinag-hugutan ng mga babae. Sabi nga sa bibliya dapat magpasakop ang mga babae sa lalaki ngunit hindi naman siguro sa lahat ng pagkakataon. Minsan kailangan ding intindihin ng mga kalalakihan ang mga kababaihan. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay ang lalaki ang tama. Hindi rin naman siguro tama ang pagiging marahas kahit sabihin natin na ito ang alam nating paraan. Dahil sa huli ang babae dapat inaalagaan at iniibig ng wagas lalo na kung higit pa sa pagmamahal mo ang kaya niyang ibigay.
12 parts