Si Arline, maganda, matalino at mahirap. Nangarap siya para sa pamilya, nangarap na makaahon sa kahirapang kinasasadlakan nila. Kaya tuwang tuwa siya ng makatanggap ng tawag mula sa inaplayan niyang Publishing Company sa maynila. Ngunit biglang gumuho ang pangarap niya ng sa kasawiang palad, eh' hindi siya pinalad na matanggap. At nang dahil doon, nakilala niya si Andrew, gwapo, mayaman at binatang ama. At si Mikaela, ang Five years old na bibong-bibong anak ni Andrew. Na nang una siyang makita nito ay napagkamalan agad siya nitong siya raw ang nawawalang ina ng bata. Matupad na kaya ang isang pangarap ni Arline na magkaroon ng lovelife sa katauhan ni Andrew? Ngunit paano kung kailan matutupad na ang matagal na niyang dasal na magka lovelife, eh saka naman bumalik ang Ina ni Mikaela.