* - - - - *
Sa School namin may nangyayaring Clash between Athletes. Iyong tipong, kailangan palaging number 1 ang team niyo sa lahat ng contest na sasalihan niyo. Dahil kung hindi, panigurado kawawa kayo. Kayo ang magiging apple of the eye ng iba pang team tulad ng Soccer team, Cheerleading Squad, Basketball Team at marami pang Athletic team.
Pero sa lahat ng Athletes Group, ang Basketball Team ang pinaka-nakakainis. Palibhasa kasi sila ang laging Champion kaya kung mangbully ay sagad sa buto. Akala mo mga Perpektong Tao! Isama mo na rin ang Cheerleader ng Cheerleading Squad na feeling Queen Bee, akala mo kung sinong maganda. Eh, di hamak naman na mas maganda ako sakanya.
Kaya ako, I always make sure na perfect ang lahat ng routine namin. Ayokong binubully kaya hindi rin ako nangbubully. Pero kung Basketball Team at Cheerleading Squad ang katapat? Panigurado, hinding-hindi ko sila uurungan.
I'm Divina Mendez, a gymnast, and I'm part of the Clash.
* - - - - *