"Bestfriends forever" yan ang binitawang pangako nina Gavin Marcus at Kurt Kennedy simula noong mga bata pa sila. Hanggang magbinata ang dalawa ay hindi natibag ang matibay nilang samahan. Playboy si Kurt, he can have any girl he want, paano ba namang hindi e perfect boyfriend ang tingin ng kababaihan sakanya; Matangkad, Gwapo, Mayaman, Flirt at Magaling Mambola. Habang si Gavin ay kabaliktaran nya; Pihikan sa babae, tahimik, Suplado, Masungit at Hindi Mayaman. Hanggang dumating sa buhay nila si Destiny; Ang babaeng magpapatibok sa puso ng dalawang binata. Masisira na ba ang samahan ng dalawang magkaibigan? Sino ang unang magpaparaya sa dalawa? at hanggang kailan nila kayang ipaglaban ang babaeng iniibig nila?
2 parts