FANGIRL - ito yung taong nagsusuporta sa isang... sabihin nating sikat na tao.
May mga fangirl na sobrang effort para sa iniidolo nila hindi lang dahil sa pagsuporta, sa pagmamahal na rin.
Yung iba nga, halos ibuwis na ang buhay para lang mapansin. Hindi naman sa buwis-buhay pero... yung parang mas nabibigyan nila ng atensyon yung iniidolo nila kaysa sa mga kaibigan nila.
Minsan nga dahil sa pagiging fangirl, nawawala na yung mga kaibigan nila. Siguro dahil sa hindi pagkakasundo sa mga ginagawa nila or ayaw dun sa sinusuportahan nila.
Tapos kapag lalaki pa yung gusto mo... halos magasgas na lalamunan mo sa kakatili kapag nakikita mo siya. Lagi kang nag-iipon ng pera para lang mabigyan sila ng regalo. Ginagawa mo ang lahat para mapansin ka lalo na kapag sikat. Binubuhos mo lahat ng effort mo para sa kanya.
Pero... kadalasan hindi napapansin yung mga ginagawa mo kaya nakakasawa rin.
Pero pano kung yung taong iniidolo mo eh ikaw pala yung matagal na nyang hinahanap? Ikaw pala yung babaeng magpapatibok sa puso niya. Ang sarap sa pakiramdam no? Lahat ng pinaghirapan mo bale-wala. :">