"Hindi siya ang tipong taong magugustuhan ko" sabi ko kay Lea habang nakatingin kami kay Kevin na papalapit sa amin.
"Gwapo naman siya, mukang matinong lalaki, matalino at mayaman. Ang choosy mo naman. Ano bang ayaw mo sa kanya?" tanong nya.
"Oo nga, nasa kanya na ang lahat pero ayoko sa lalaking mas matanda pa sa akin." sabi ko.
"Kapag tungkol sa love wala yan sa edad-edad. Age doesn't matter. Example sina Liza at Enrique kahit alam ng ibang tao na medyo malayo ang agwat nila pero nagustuhan pa rin sila." napaisip ako sa sinabi ng kaibigan ko.