** Sabi nila kasalanan ang manira ng relasyon. Hindi nga naman maganda kung ikaw ang magiging dahilan para masira ang dalawang taong nagsasama dahil sa pagmamahal. Pero paano kung hindi naman talaga ikaw ang may kasalanan? Paano kung biktima ka lang din ng akala mong pagmamahal? Paano mo ipapaliwag ang sarili mo sa lahat? Paano mo ipagtatanggol ang sarili mo sa maling paratang? Pero paano kung ginawa mo nalang kung anong sinasabi nila? Paano kung talagang naninira ka na ng relasyon dahil pagod ka ng ipaliwanag ang sarili mo? Magiging masaya ka ba na may nasasaktan ka o ititigil mo nalang ang larong iyong sinimulan?