"Need talaga naming hiramin ang bahay mo. It's for our film in Rizal. Hindi kami magnanakaw o kung ano man. Just a few weeks would be fine!" dugtong pa nito. Hindi ko ulit pinansin. Dumiretso lang ako sa paglalakad. Abala ang lalaking ito. Kanina pa ito dada ng dada. Hindi ba ako titigilan ng nito? Malapit na ako sa bakuran ng bahay ko. Pero, napasadahan ko pa ng tingin ang isang itim na van na nakaparada sa kabilang kalsada ng mismong tapat pa ng bahay ko. May mga taong nakasandal at nakayukyok doon. Sa mga pustura nila ay nasisigurado kong kasamahan ito ng lalaking nangungulit sa akin. Pero ganoon na lamang naningkit ang mga mata ko ng mahagip ko ang dalawang bulto sa pinaka-hood ng Van.Ang lalaki ay walang puknat ang pagtugon sa halik ng babaeng kinukubabawan siya. Nakakakilabot ang kanilang ginagawa sa ganitong tirik ang araw at sa publikong lugar pa nila naisip maghasik ng kalaswaan. Nakaramdam ako ng malamig sa aking paanan kaya napatungo ako. Ang naka-plastic kong sinigang na baboy ay nakakalat na sa semento. Nabitawan ko pala ng hindi ko namamalayan. Nakakainis! Nasayang ang pinaghirapan kong hingiin sa isang handaan sa kabilang bayan. Wala na akong hapunan. "So, payag ka na?" Napatingala ako sa narinig. Nakangiti ng malaki ang lalaking katabi ko. Ilang kurap ang ginawa ko bago ako umiling. Pagkatapos kung makita na pinapakinabangan na ng semento ang dapat na hapunan kong ulam ay palagay ba niyang uunahin ko pa ang request niya? Sa tingin ko'y nagkakamali siya. Mabilis akong nagmartsa palapit sa gate ng bahay ko. Binuksan ko ito at mabilis na ini-lock ang gate. Ayoko silang naririto sa bakuran ko. Mabilis akong nagmartsa patungo sa pintuan. Pipihitin ko na sana ng may magtulak sa aking lingunin sila. Geez! Wrong move. A freaking wrong move. Kung baga sa larong chess ay checkmate ka na. Heto't napapasadahan ko na naman ang matatalim na titig niya. Wari'y ipinaparating ang linyang- no use even if you run. No use.All Rights Reserved