Mahirap igive-up ang isang relasyon na matagal mong iningatan at hinintay. Mahirap isuko ang pagmamahal na minsan mo lang naramdaman. Kaya kahit nasasaktan ka na, pinipilit mong tanggapin ang mga bagay na nagpapasakit ng loob mo para lang sa taong mahal mo. Dahil alam mo na ang minsang pagsuko mo, kapalit ng habang buhay na panghihinayang na sana hinayaan mo na lang na masaktan ng andyan s'ya, kaysa masaktan ka dahil wala na s'ya.