Minsan sa buhay ng tao, dumadating ang pagkakataon na pakiramdam mo wala kang magawa. Feeling bored ka kaya maghahanap ka na lang bagay na posibleng mapagkaabalahan. Lalo na sa panahon ngayon, ang talamak na teknolohiya. Madaming uso at nagkalat na gadgets, cellphones at ang may iba't ibang apps din na kailangan mo lang wifi access tapos pwede mo na i-download. Hahaha, oo, nakakatawang isipin na sa isang click lang may app ka na, register ka lang at pwede ka nang magkaroon ng instant kaibigan.
Isang chat app ang na-try ko i-download, wala lang like other social apps. Pero I never really thought na magiging avid user ako nito. After i sign-up kasi super tahimik, super nakakalito, ni hindi mo alam anong gamit nito. Then I tried to join several groups, then you chat within the group. Hmmm.. uso na rin naman yung add friend at private chat feature may moments pa. When you choose a group, syempre kung ano yung trip mo dun ka.
I had several groups na super naging malapit na sa akin. Few friends din na maituturing kahit we haven't seen each other. May mga chances naman sa buhay natin na we get to be close with anyone kahit sa chat lang di ba. Not to mention na I am part of the Wattpad Family Group sa Chat App na yun. Nakakatuwa di ba, kasi I get to know people who became an inspiration for me to try writing again, kahit alam ko na di masyadong gusto ng pagsusulat sa akin.
Somehow, kung iisipin mo, iba-iba din ang magiging epekto ng mga app sa buhay mo. Pwedeng paubos oras, pampawala ng stress, pang-alis lungkot, naghahanap ng kausap o kaibigan o pag-ibig. Nasasayo kung anong gusto mo at kung anong gagawin mo, admit it, matanda ka na noh, may pinagkatandaan man o wala, life must go on di ba?.. at ikaw ang maghahandle nun.
O siya, tara na, samahan nyo ko at tignan natin ano kahahantungan natin sa mundo ng Chat App....All Rights Reserved